MAGULANG

Mula ng ako ay isilang 

ako ay nagkaroon ng muwang

upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…

Sa aking ama na siyang dahilan
kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo
ako ay naging matapang…

Sa aking ina na siyang nagpalaki
upang pagtanda ko’y maipagmalaki
salamat sa’yo
nagkaroon ako ng magandang mundo…

Sa aking mga kapatid na mahal ako
salamat sa inyo lumaki ako
binihisan ako para maging katulad nyo
at maipagmalaki pati ng ibang tao…

Hindi man ako perpekto
minsan may pusong bato
pero alam ko dito sa puso ko
walang makakapantay sa inyo…

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento